Arestado sasailalim sa COVID-19 test bago ipasok sa QC jail

ISASAILALIM sa coronavirus disease 2019 test ang mga taong mahuhuli sa Quezon City bago ipasok sa kulungan ang mga ito.

Inilabas ni Mayor Joy Belmonte ang Executive Order 30 matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang preso at jail guard ng Bureau of Jail Management and Penology at Quezon City Police District.

“We have installed guidelines that will be observed when the court orders the commitment of a PDL (persons deprived of liberty) to a detention facility managed by the BJMP,” ani Belmonte. “The guidelines will likewise cover those arrested by authorities before they are detained in a police precinct or facility.”

Kapag naglabas ang korte ng commitment order ng isang naaresto, makikipag-ugnayan ang BJMP sa Quezon City Health Department (QCHD) upang maisailalim ito sa testing bago ipasok sa kulungan.

Ang PDL ay ilalagay sa isang quarantine facility hanggang hindi lumalabas ang resulta. Kung magnenegatibo ay ikukulong na ito sa City Jail.

Kung positibo dadalhin ito sa pasilidad na tutukuyin ng QCHD.

Read more...