Lalaki umiwas sa checkpoint, sugatan sa pulis

SUGATAN ang lalaki na umiwas sa checkpoint at nakipagbarilan sa mga pulis sa Brgy. Ugong, Pasig.

Kritikal ang kondisyon sa Rizal Memorial Medical Center ni Joselito delos Santos, na nagtamo ng tama ng bala sa katawan.

Ayon sa ulat, sakay ng van si delos Santos at anak na si Joselito Jr. nang umiwas sa checkpoint sa Eastwood sa Libis, Quezon City.

Hinabol sila ng mga alagad ng batas at nang makarating sa Pasig ay bumaba ng van ang matandang delos Santos at pinaputukan umano ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga alagad ng batas at napuruhan ang suspek.

Dinala siya sa pagamutan habang idiniretso sa presinto ang kanyang anak.

Read more...