IPATUTUPAD ang isang-linggo na hard lockdown sa Brgy. Addition Hills sa Mandaluyong City simula sa Huwebes.
Ayon kay Mayor Menchie Abalos, kailangang maghigpit sa nasabing barangay dahil ito ang mayroong pinakamaraming kaso ng Covid-19 sa lungsod.
Sa ngayon ay mayroong 57 kumpirmadong kaso roon. Aabot naman sa 418 ang kaso sa buong siyudad.
Nakatakdang maglabas ng executive order si Abalos para sa guidelines sa pagpapatupad ng hard lockdown.
Habang umiiral ang total lockdown ay magsasagawa ng random rapid testing sa 3,000 residente sa barangay.
Samantala, natapos na kaninang alas-5:01 ng umaga ang pag-iral ng 48-oras na hard lockdown sa Tondo, Maynila.
Umabot sa 281 na violators ang naaresto sa kasagsagan nito.
Agad namang humaba ang pila ng mga mamimili sa Pritil Market matapos ang hard lockdown para mamalengke. –Radyo Inquirer