Moratorium sa koleksyon ng SSS, PhilHealth, Pag-IBIG iminungkahi

SSS

IMINUNGKAHI ng isang lady solon ang pagpapatupad ng moratorium sa pangongolekta ng kontribusyon sa PhilHealth, Social Security System at Pag-IBIG fund ng mga empleyado ng Micro, Small and Medium Enterprises.

Ayon kay Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera maaaring hanapan ng ibang mapagkukuhanan ng kita ang mga sangay ng gobyernong ito upang kumikita kahit na hindi muna kokolekta ng kontribusyon mula sa mga empleyado ng maliliit na kompanya.

“The President may impose a moratorium on PhilHealth contributions collected from MSMEs and simultaneously create a study group that will look for other financing sources, or identify non-essential PhilHealth overhead that can be cut,” ani Herrera sa isang pahayag.

Punto pa ni Herrera habang naghahanap ang Kongreso ng paraan para matulungan ang mga MSMEs upang makabangon matapos ang quarantine dapat ay bigyan din ng saklolo ang mga empleyado ng mga ito.

“If we are planning to help troubled companies through loans, bridge financing and payroll support in billions of pesos, then a moratorium on government collections from workers can be accommodated as part of the second edition of the fight COVID-19 legislation,” dagdag pa ng lady solon.

Ang moratorium sa koleksyon ay nangangahulugan umano ng dagdag na pera na maiuuwi ng manggagawa sa kanilang pamilya.

Nagpasalamat din si Herrera sa desisyon ng Philippine Overseas Employment Administration at Overseas Workers Welfare Administration na huwag ng gawing requirements ang pagbabayad ng PhilHelath premium para makakuha ng overseas employment certificate (OEC).

Sinabi naman ni House Majority Leader Martin Romualdez at House Deputy Speaker Raneo Abu na ipinakita ni Pangulong Duterte ang malasakit nito sa mga OFW sa agad na pagbasura sa pagtataas ng premium ng PhilHealth at pag-alis ng pagiging mandatory nito.

“The President’s action demonstrates his compassion or malasakit for the millions of overseas Filipino workers whom we hail as ‘bagong bayani’ for keeping the economy afloat with their regular remittances. Instead, we have to continue working on providing assistance to them to survive the coronavirus disease-19 (COVID-19) pandemic. They have been enduring many hardships, including extended separation from their families and loved ones,” ani Romualdez.

Dagdag naman ni Abu ang aksyon ng Pangulo ay pagkilala sa mga nagawa ng OFW para sa bayan.

“The country achieved genuine progress because of their (OFWs) earnings that has been fueling the economy,” ani Abu.

Read more...