Alden nagbigay ng tips para sa lahat ng 'alay' | Bandera

Alden nagbigay ng tips para sa lahat ng ‘alay’

Ervin Santiago - May 05, 2020 - 07:40 AM

ALDEN RICHARDS

MUKHANG sanay na sanay na ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa pagiging “alay” sa patuloy na nagaganap na health crisis sa bansa.

Matapos ang kanyang unang Instagram Live session para sa fans last week, muling humarap ang Kapuso Drama Prince sa netizens kamakailan kasama ang kanyang spiritual adviser na si Father Jeff. 

Sa kanilang kwentuhan sa IG Live, ibinahagi ni Alden kung paano niya sinisiguro ang kanyang kaligtasan tuwing lumalabas para mag-grocery. Siya kasi ang “alay” ng pamilya bilang runner para sa pagbili ng kanilang supplies sa bahay.

Ayon sa Kapuso star, palagi siyang nagsusuot ng face mask at gloves. Kailangang triple ang gawin niyang pag-iingat dahil marami siyang kasama sa kanilang bahay, kabilang na ang kanyang lolo’t lola.

“Ito rin advise ko sa lahat ng runners at lahat ng lumalabas, we should treat everyone as a carrier for safety. I-treat natin as lahat positive para ‘yung alert level natin laging mataas,” pahayag ng Asia’s Multimedia Star.

Alden narrated what he does to stay safe whenever he leaves the house for basic necessities and errands.

“Kapag lumalabas ako, ‘yung damit na sinuot ko, sa garahe pa lang doon ko na siya huhubarin.

“Hindi ko ipapasok ‘yung sapatos sa loob ng bahay. Maghuhugas ako ng kamay, pagkapasok ng bahay maliligo agad,” aniya pa.

“Mahirap i-risk especially kapag tinamaan ng COVID-19 ang ages 60 and above medyo sila ‘yung napupunta sa severe cases.

“So dapat ingatan natin sila, that’s how I care for my loved ones, dapat ganoon din ang lahat ng mga nagiging runners at lumalabas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Isipin niyo ‘yung mga taong puwedeng mahirapan kapag nagkasakit kayo. So take care of yourself first,” pahayag pa ni Alden.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending