NAG-ALOK si Pangulong Duterte ng P30,000 pabuya sa lahat ng mga pagsusumbong ng mga katiwalian sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP).
Sa isang public address, partikular na pinangalanan ni Duterte ang kagawad ng Hagonoy, Bulacan na si Danilo Flores na ibinulsa ang malaking bahagi ng P6,500 na ipinamahagi sa mga benepisyaryo ng SAP.
“Sinabi ko na sa inyo kung may gawin kayo wag sa panahong ito,” sabi ni Duterte.
“We requested the local government to look into the people you commissioned to do the distribution sa pera kagaya nitong barangay kagawad Danilo Flores ng Agustin, Hagonoy, Bulacan. Ang p…i…mo, nakuhaan ka pa ng telebisyon na hinihingi mo… mahirap na nga, may trabaho ka na, kagawad ka, ay p…i.. kukunin mo pa pera ng mahirap,” dagdag ni Duterte na hindi na napigilang magmura.
Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaaring tumawag ang mga may sumbong sa hotline ng gobyerno na 8888.