Duterte nag-alok ng P30K pabuya sa mga magsusumbong ng katiwalian sa pamimigay ng SAP | Bandera

Duterte nag-alok ng P30K pabuya sa mga magsusumbong ng katiwalian sa pamimigay ng SAP

Bella Cariaso - May 05, 2020 - 12:29 AM

President Duterte

NAG-ALOK si Pangulong Duterte ng P30,000 pabuya sa lahat ng mga pagsusumbong ng mga katiwalian sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP).

Sa isang public address, partikular na pinangalanan ni Duterte ang kagawad ng Hagonoy, Bulacan na si Danilo Flores na ibinulsa ang malaking bahagi ng P6,500 na ipinamahagi sa mga benepisyaryo ng SAP.

“Sinabi ko na sa inyo kung may gawin kayo wag sa panahong ito,” sabi ni Duterte.

“We requested the local government to look into the people you commissioned to do the distribution sa pera kagaya nitong barangay kagawad Danilo Flores ng Agustin, Hagonoy, Bulacan. Ang p…i…mo, nakuhaan ka pa ng telebisyon na hinihingi mo… mahirap na nga, may trabaho ka na, kagawad ka, ay p…i.. kukunin mo pa pera ng mahirap,” dagdag  ni Duterte na hindi na napigilang magmura.

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaaring tumawag ang mga may sumbong sa hotline ng gobyerno na 8888.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending