Pinakamataas na temperatura sa QC sa loob ng 5 araw naitala

MULA sa 32.0 degrees Celsius noong Linggo umakyat sa 36.5 degrees ang temperatura sa Science Garden sa Quezon City kanina.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administrationtemperatura ito ang pinakamataas na  na naitala sa Quezon City sa loob ng limang araw.

Naitala ito alas-3:45 ng hapon.

Ang heat index o alinsangan ay umakyat naman sa 41 degrees Celsius.

 “Stay home stay hydrated, at stay safe po!” saad ng PAGASA.

Noong Huwebes naitala ang 34.8 degrees Celsius sa QC at noong Biyernes ay 34.5 degrees Celsius at noong Sabado ay 34.6 degrees Celsius.

Read more...