14 na empleyado ng Senado nagpositibo sa rapid COVID test
NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga empleyado na nagpositibo sa rapid test para sa corona virus disease (COVID-19).
Nauna nang nabanggit ni Senate President Vicente Tito Sotto III na dalawa sa nagpositibo sa rapid test ay staff ng isang senador, isang waiter, isang page sa session hall at ang walo ay mga taga Office of the Sergeant-at-Arms.
Hindi pa sinasabi kung saan tanggapan nagmula ang dalawang naitalang kaso
Dinala ang mga nagpositibo sa San Juan De Dios Hospital para sa swab test at matapos ay dadalhin sila quarantine area.
Inamin naman ni Senador Sherwin Gatchalian na isa sa ang kanyang staff sa mga nagpositibo sa rapid test.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.