UNTIL now ay humohopia (read: umaasa) pa rin ang JadDine fans na magkakabalikan sina Nadine Lustre at James Reid.
No, the JaDine fans are not giving up hope na one day the ex-couple will be back in each other’s loving arms.
Actually, mas nabibigyan sila ng pag-asa kapag may lumalabas na photos na magkasama ang dalawa.
Ilang beses na kasing naging viral ang pictures ng magka-loveteam na magkasama.
Ang feeling nga ng ilan nilang fans and supporters ay nagkabalikan na sila habang ang iba naman ay nagsasabing hindi sila naniniwala na nag-break talaga sila.
When Nadine congratulated Billy Crawford and Coleen Garcia as they will become parents very soon, JaDine fans thought James and Nadine would be the next couple na may ia-announce – na nagkabalikan na sila.
“Finally announced it!!! Congrats again billy crawford and coleen,” came Nadine’s reaction sa announcement nina Coleen at Billy sa Instagram account.
Nag-react ang JaDine fans as reported by a website.
“Nadine ur next!”
“Kailan mo i announce ate na magkakabalikan na kayo ni James hehe! Joke! love youuu always.”
“Waiting lang po kami na kayo ni James naman ang next na mag-announce.”
“Nadz ikaw na sunod hehe. James mahal na mahal namin kayong dalawa ni Nadz. God bless you couple forever.”
“Nadine we miss u and James. i hope magka movie kayo together again.”
“We still believe na kayo pa rin ang pinagtagpo at itinadhana. Kayo na lang uli. Kayo na lang forever!”
Grabe, ‘no? Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang JaDine fans.