Piolo kay Inigo: Hindi siya nahihiya to show affection

PIOLO PASCUAL AT IÑIGO PASCUAL

IPINAGTANGGOL ni Vice Ganda ang pag-kiss sa lips ni Inigo Pascual sa ama niyang si Piolo Pascual.

Sa Gandang Gabi, Vice last night ipinalabas uli ang guesting ni Piolo sa show kung saan tinanong ni Vice Ganda kung gaano sila ka-close na mag-ama.

“Noong ipinanganak siya ay nasa Amerika ako. Noong nag-aaral siya, nasa Amerika naman siya. Nagkasama na lang kami nang regular noong bumalik na siya dito.

“Minsan lang kami magkita, tawagan lang sa telepono. Noong nandoon ako sa United States, I make it a point na puntahan talaga siya.   

“Pero ngayon na nandito siya sa Pilipinas ay walang araw na hindi kami magka-text.

“Maski na may trabaho ako sa ibang bansa, day and night ay magka-text kami ni Inigo kaya ganoon kagrabe ang relationship namin,” chika ni Papa P.

Sinabi ni Vice na may awkward moments ang mga bata and Piolo agreed.

“Natural ‘yan, lahat tayo dadaan diyan like ‘pag aasarin ka sa school.  Like kapag hinahatid ko siya noong high school siya, ayaw niyang iki-kiss ko siya sa lips kasi sabi niya tinutukso daw siya ng mga classmates niya.

“Pero na-realize niya na ‘I wanna be proud of my parents.’ ‘Yun ang maganda kay Inigo. Hindi siya nahihiya to show affection,” say ni Piolo.

“I’m talking about this kasi ‘yung video ni Piolo at Inigo na nagki-kiss, ang daming nag-re-react.

“Ano’ng mali? Wala kasi akong nakitang mali. Kung ikaw ayaw mong humalik sa tatay mo, eh, di ikaw ‘yun.

“Kung may problema ka sa paghalik ni Inigo kay Piolo, ikaw ang may problema. Hindi sila ang mag-a-adjust sa iyo,” paliwanag ni Vice Ganda.

Speaking of Inigo, makakasama ang binata along with other sikat na Asian artists sa isang online music festival na magaganap sa May 7, dubbed as “Asia Rising Forever.”

Organized by 88rising, ito ang inilabas nilang announcement sa social media, “Announcing … a special 4-hour global online concert celebrating the most exciting Asian talent from around the world.”

Makakasama ni Inigo rito ang South Korean idol na si Kang Daniel, Malaysian singer Yuna, South Korean girl group CLC, Vietnamese-American singer keshi,  Chinese-American singer mxmtoon at iba pa.

Read more...