PARA sa ikatatahimik ng kanyang mga fans at social media followers, muling nag-post si Nadine Lustre tungkol sa buhay niya ngayong may enhanced community quarantine.
Ayon sa award-winning actress, marami rin siyang nagagawa sa bahay sa panahon ng lockdown, bukod sa pag-aalaga ng kanyang pet dog.
Hindi kasi masyadong active sa pagpo-post sa social media si Nadine ng updates sa mga nangyayari sa kanyang quarantine life lalo na ngayong solo na siyang namumuhay matapos silang mag-break ni James Reid.
Kaya naman tuwang-tuwa ang kanyang fans nang muling magbigay ng update ang dalaga about her life during lockdown kasama ang alagang si Cal.
Ayon kay Nadine, bukod sa pagluluto ng kanyang mga favorite food sa bahay, marami pa siyang pinagkakaabalahan na hindi niya nagagawa noon.
Nag-post si Nadine sa IG ng isang maliit na salamin na kita ang kanyang mukha. May caption itong, “Had a lot of time to reflect, write, cook, play computer games, plan ahead and slow down…
“Also had a lot of time clearing out my space which is a huge achievement for me.
“I’m against throwing away things so I decided to put them all on sale.
big shout out to everyone who shopped on my depop to help our frontliners!” mensahe pa ng ex ni James.
Kamakailan, supalpal ang bashers ni Nadine na nagsasabing dedma lang at hindi ito tumutulong sa mga naapektuhan ng COVID-19 crisis.
Hangga’t maaari ay ayaw na sanang ipaalam pa ng Kapamilya actress ang pagbibigay niya ng tulong sa mga medical workers, mas gusto niya kasing tumulong nang tahimik.
Pero mismong ang kanyang tiyahin ang nagbalita na marami na siyang natulungan mula sa medical field sa pamamagitan ng pagdo-donate ng Personal Protective Equipment (PPEs), acrylic aerosol boxes at pagkain.
Sa pamamagitan ng Facebook, ipinost ni Mamel ang mga tulong na naipaabot ng kanyang pamangkin sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, isa sa mga itinalagang quarantine facility ng gobyerno para sa COVID-19 patients.
“We appreciate the hard work and services to our communities, may this humble gesture become helpful to the hospital staff!
“Thank you Dr. Jamilarin and Dra. Capada of Ob-Gyn Department for facilitating the distribution,” mensahe ng tita ni Nadine.
“Thank you so much my lovely niece Nadine for sponsoring their PPEs, acrylic boxes and helping feed the team at DJNRMH. Proud Tita here,” dagdag pa niya.