Bata nagtagumpay vs COVID-19

NAKAREKOBER sa nakamamatay na Covid-19 ang pitong-taong-gulang na batang lalaki sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Nakalabas na ng ARC Hospital at nakabalik na sa kanyang pamilya sa Brgy. Gun-ob ang bata kagabi.

Ayon kay Lapu-Lapu City City Disaster Risk Reduction and Management Office head Nagiel Bañacia, nagpapagaling pa ang ina at kapatid ng bata sa nasabing ospital.

Ibinahagi ni Bañacia, sa kanyang Facebook account ang mga larawan ng paglabas sa ospital ng bata.

“He is the real hero for he survives in this war against Covid-19,” aniya.

Sinalubong din ng mga taga-CDRRMO ang paslit.

Read more...