Bianca humingi ng permiso sa publiko para makapagtrabaho uli

Bianca Gonzalez

KUNG may isang sektor na matinding naapektuhan ng lockdown sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic, yan ay ang entertainment industry.

Talagang natigil ang trabaho ng lahat, mula sa mga artista at performers hanggang sa production staff and crew pati na ang mga stylist, make-up artists at iba pang involved sa pagbuo ng isang TV show at pelikula.

Dahil dito, nag-aalala na rin ang mga celebrities sa kanilang kabuhayan habang tumatagal ang enhanced community quarantine lalo na yung may mga pamilyang binubuhay.

Kamakailan, nag-post ng mahabang mensahe ang TV host-vlogger na si Bianca Gonzalez para humingi ng pang-unawa sa gagawin niyang pagpo-post ng mga produko at serbisyong ine-endorse niya.

Inamin ni Bianca na pansamantala niyang itinigil ang kanyang obligasyon sa pagpo-post ng kanyang endorsements dahil sa kinakaharap na health crisis ng mundo.

Sa kanyang Instagram post kamakailan, sinabi rin ng Kapamilya TV host na napakalaki rin ng epekto ng COVID-19 crisis sa kanya at sa iba pang “non-essential” workers sa entertainment industry.

“(Warning: long post.) The industry I work in is sort of considered non-essential. And I can imagine that everyone else with non-essential jobs like me have had some sort of existential struggle the past few weeks,” simulang pahayag ni Bianca.

“This quarantine/crisis/pandemic has been mentally, spiritually and financially tough. Everyday I am grateful for a home and our basic needs, which I know not everyone has the luxury of. 

“I have been coping by being hyper-productive with my days (we all cope in different ways) and parang recollection ang nangyari sa akin in terms of thinking ano ba talaga ang values ko, ano ang purpose ko sa mundo, at ano ang mga mensahe na gusto kong iparating sa mga taong nagbabasa ng sinusulat ko o nanonood ng mga videos ko. 

“At the start of the quarantine I politely begged off and asked for a postponement of any ‘branded posts’ and I am very grateful for the companies I work with, for understanding and supporting my request. 

“At the start of all this, it felt morally unsettling for me to ‘earn’ ‘just by ‘posting’ (these are all in ‘quotes’ because it is more than what the words seem) habang madami ang nagugutom, natatakot, at nagkakasakit. As the weeks passed and everyone (IRL and on social media) was adjusting to the new normal, I was managing my fears about the future of the work that I do. 

“Businesses have been adjusting and finding ways of how they can still operate and earn, and I realized na ako din, kailangan ko na ding mag-adjust at gawin ang trabaho ko sa paraan na alam ko. Sabi nga nila, hindi pwedeng puro out ang pera, kailangan may in din,” pahayag pa ng TV host.

Dito na humingi ng permiso si Bianca sa kanyang followers para ‘magtrabaho’ uli para kumita rin kahit paano, “I guess what this post is, is a post asking for your permission, even if I know hindi naman kailangan; it’s May 1, and in the coming days I will be fulfilling work and posting branded posts.

“I guess this is also an accountability post for me to never post something out of touch and to adjust to the new normal along with everyone else. 

“Oo, alam kong parang overthinking or OA ito, at hindi din ito pa-goody na post, I just have been carrying this since the start of the quarantine and I felt I wanted to share it with you. Thanks for reading this kahit ang haba.”

Read more...