SA halip na alisin ang liquor ban para magkaroon ng pondo, makabubuti umano na umutang na lang ang gobyerno.
“These options endanger public health. We can tap other sources to fund our COVID response that will not facilitate the spread of the virus. For example, external loans and internal loans, ani Rizal Rep. Fidel Nograles.
May mga panawagan na alisin na ang liquor ban at iniuugnay ito sa mga ulat na nakamamatay umano ng coronavirus disease 2019 ang alak.
Punto pa ni Nograles hindi tiyak kung magkano ang kikitain ng gobyerno kapag inalis na ang liquor ban.
“The projected taxes raised from lifting the liquor ban do not come in a flash. It’s just a projection, not actual cash. Lifting the liquor ban may result to unnecessary and incalculable problems which may add to this health crisis,” dagdag pa ng solon.
Naniniwala si Nograles na makababangon ang ekonomiya ng bansa at ang dapat na prayoridad ay ang kalusugan ng marami.
“COVID19 is firstly a public health crisis so our priority is public health. We can revive the economy as soon as we ensure that we can manage and control this crisis.”
Sinabi naman ni Nograles na dapat maging maingat sa paghawak ng pagbubukas ng Philippine Offshore Gaming Operators.
“POGOs have to be limited and managed, too, to ensure safety and health of our people.”