JoshLia fans humiling kay Direk Antoinette ng mala-Bea-Lloydie movie

JOSHUA GARCIA AT JULIA BARRETTO

TODO-RELATE si Julia Barretto sa isang eksena sa pelikulang “Lady Bird” na napapanood niya sa Netflix.

  Ginampanan ng American star na si Saoirse Ronan ang karakter ng bidang babae na si Christine “Lady Bird” McPherson.

     Writtenĺ and directed by Greta Gerwigna, ang “Lady Bird” ay isang coming-of-age comedy-drama na   ipinalabas noong 2017.

      Ipinost ni Julia ang palitan ng dialogue ni Sister Sarah Joan (Lois Smith) at Lady Bird sa isang scene sa movie.

    Sa pag-uusap ng dalawang characters, pinuri ni Sister Sarah ang ipinasang college essay ni Lady Bird sa kanya tungkol sa kanilang lugar sa Sacramento. Sinulat daw ni Lady Bird ang essay “with much care.”

     Sagot naman ni Lady Bird, “I was just describing it.”

   “It comes across as love,” tugon ni Sister Sarah Joan.

   “Sure, I guess I pay attention,”  linya ni Lady Bird.

    At ang huling dialogue ni Sister Sarah kay Lady Bird, “Don’t you think maybe they are the same thing?  Love and attention?”

    Isang red heart emoji ang caption ni Julia sa ibaba ng kanyang IG post.

     Nag-comment naman ang character actress na si Arlene Muhlach sa post ni Julia na napanood din ang movie.

Comment naman ni Mylene Dizon,  “Dude lady bird! Husay. Try mo Sense and Sensibility. Acting piece.”

    Reply ni Julia kay Mylene, “Sooo good. I’ll check this one out!”

     Pati ang direktor na si Antoinette Jadaone ay nag-post din ng comment, “I love tyese scene!!!!”

    “Me too,”  reply ni Julia kay Direk Antoinette.

    May netizen naman ang nag-suggest kay Direk Antoinette na gawan ng reunion movie si Julia at ang ex nitong si Joshua Garcia.

    “Direk, pls make a reunion movie for the babas; pretty please! You can get the best acting out of these two; We will pray that God will allow you to do this. God bless, Direk.”

    Na-inspire siguro ang JoshLia fans sa ginawang “experimental movie” sa Instagram ni Direk Antoinette nina John Lloyd Cruz at  Bea Alonzo na talagang nag-viral sa social media, patunay lang na buhay na buhay pa rin ang fang ng dating magka-loveteam.

Marami kasi ang nagsasabi na nakikita rin nila kina Joshua at Julia ang magic ng tambalan nina Bea at John Lloyd.

   Pero ang tanong, gusto pa kaya nina Joshua at Julia na magkatrabahong muli? 

                                               

  

 

     

Read more...