NI-REVEAL ni Chef Gene Gonzalez sa online “Chikahan Quarantine” ni Raymund Isaac na siya ang nagturo kay Popstar Royalty Sarah Geronimo na magluto.
Si Chef Gene ay mister ng dating Kapuso star at chef na rin ngayong si China Cojuangco.
Bago pa man “tumakas” kay Mommy Divine Geronimo at magpakasal si Sarah kay Matteo Guidicelli ay nag-umpisa na pala siyang mag-enroll sa Culinary school ng mister ni China.
“Yeah, I handled two of her classes. Also, Matteo. She’s ano, eh, she’s in between her, ‘coz she does it during her free time.
“So, kapag nagka-time nasa class siya. She has a window. So, she’s like halfway to cooking and baking. It’s still hanging and, she’s welcome any time…when we’re back,” lahad ni Chef Gino.
May nagtanong na viewer kay Chef Gino kung ano ang favorite na lutuin ni Sarah na itinuro niya.
“I taught her a specific dish. It’s ano, tenderloin. And yeah, ako ang nagturo nu’n sa kanya. And the correct scrambled eggs, I teach her that,” sagot ni Chef Gino.
Ikinasal si China kay Chef Gino noong 2017. May dalawa na silang anak ngayon. Ang panganay ay si Lucia Margaret Ysabel na six year old at ang bunso nila na ilang months old pa lang.
Parehong nagtuturo sa Cafe Ysabel ng pagluluto ang mag-asawa.
Dahil sa extended community quarantine, closed pa rin ang kanilang resto for dine in. Pero open sila for delivery and take out lang.
Although, they’re preparing na raw sa muling pagbubukas ng Cafe Ysabel dahil na rin sa balitang ibababa na sa general community quarantine ang ECQ sa NCR at iba pang lugar sa Luzon.
Samantala, may mga fans naman ang umaasa na one of these days ay mag-a-announce na rin sina Sarah at Matteo ng bagong blessing sa buhay nila.
Inulan ng tukso ang mag-asawa matapos mag-comment si Matteo sa Instagram post nina Billy Crawford at Coleen Garcia about their first baby.
Komento ni Matteo sa pagbubuntis ni Coleen, “Wooooow!!!”
Kaya naman ang sumunod na reaksyon ng mga netizen, “AshMatt baby next na!”
Sabi ng ilang AshMatt fans, sana ay magka-baby na rin sina Matteo at Sarah at hindi raw ito imposibleng mangyari sa panahon ng enhanced community quarantine.