COVID-19 patients tinitipid ng PhilHealth–solon

HINDI umano dapat na tipirin ng Philippine Health Insurance Corp., ang mga pasyente na isinugod sa ospital dahil sa coronavirus disease 2019 at humingi ito ng pondo sa Kongreso kung kakailanganin.

Ayon kay Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo bagamat nagpapasalamat ang Kongreso dahil pinapangalagaan ng PhilHealth ang pondo nito dapat ay isaalang-alang rin ng ahensya ang malaking gastos ng mga pasyente sa paglaban sa COVID-19.

“While we appreciate Philhealth’s prudence in managing its funds, it should assist to the fullest extent all patients hospitalized for Covid-19 symptoms,” ani Castelo. “It is important that the government’s health insurance program has enough funding for the hospitalization and treatment of Covid-19 patients.”

Sa ilalim ng 2020 national budget naglaan ang Kongreso ng P71.3 bilyon sa PhilHealth.

May mga pasyente na nakalabas na sa ospital ang nagrereklamo umano dahil hindi sinagot ng PhilHealth lahat ng kanilang gastusin sa ospital kahit ipinasok sila bago nagpalabas ang ahensya ng limitasyon sa kanilang sasagutin sa pasyente na na-ospital dahil sa COVID-19.

Hiniling rin ni Castelo sa mga ospital na itigil na ang paniningil sa mga pasyente kung ang gastusin nito ay PhilHealth ang magbabayad.

“It is the poor and senior citizens who will not be able to pay for the excess cost of treatment.”

Nilimita na ng PhilHealth sa P43,997 ang babayaran nito para sa kaso ng mild pneumonia, P143,267 sa moderate pneumonia, P333,519 sa severe pneumonia, at P786,384 sa critical pneumonia na epekto ng COVID-19.

Read more...