Kagawad nambulsa ng SAP, timbog

BAGSAK sa kulungan ang kagawad sa Hagonoy, Bulacan dahil sa pangongolekta umano ng mahigit sa kalahati ng P6,500 cash aid sa ilalim ng special amelioration program (SAP) ng pamahalaan.

Ayon Kay Col. Roginald Francisco, Hagonoy police chief, dinakip si

Danilo Flores, 66, ng Brgy. San Agustin kahapon sa utos ni Pangulong Duterte.

Nakunan ng video si Flores na sinasabihan ang mga tumatanggap ng SAP cash aid na P3,000 lang ang makukuha nila dahil ang P3,500 ay mapupunta sa mayor para ibigay umano sa mga hindi makakatanggap ng ayuda.

Mag-viral ang video sa social media makaraang i-post ng isang Lhon Villamayor Perez sa Facebook noong Abril 27.

Itinanggi naman ni Mayor Raulito Manlapaz ang sinabi ni Flores at sinabing wala siyang kinalaman sa “raket” ng kagawad.

Sasampahan ng kasong graft Ang kagawad.–Inquirer

Read more...