#HomeAlone: JM parang bumalik sa rehab ngayong may ECQ

JM

MAS madali na para kay JM de Guzman ang mabuhay mag-isa ngayong may enhanced community quarantine sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic.

Naikumpara ng Kapamilya actor ang nararanasan niya ngayong may lockdown sa naging buhay niya noong nasa loob pa siya ng rehabilitation center.

Ayon kay JM, mas strict ang rules and regulations sa rehab kumpara sa ECQ dahil bukod sa malayo siya sa pamilya, bawal din siyang gumamit ng mobile phone, internet at manood ng TV. 

Wala rin siyang access sa outside world, walang pera at wala ring trabaho. Kaya naman masasabi niyang mas madali siyang nakapag-adjust matapos matigil ang kanyang pagtatrabaho.

“Because of my experience, this quarantine would have been a piece of cake. But I’m struggling everyday and alam ko kayo din. I’m fighting hard to cope,” pahayag ng Kapamilya singer-actor sa kanyang Facebook post.

Aniya, back to basic ang buhay ngayon ng mga tao kasabay ng realization niyang, “Go back to one of the philosophies and ‘count your blessings.’ Napakarami pala. Nakaligtaan ko lang pala dahil sa sitwasyon na conundrum. It made me feel content. Gave me peace of mind.”

Pero inamin niyang, “There were some days it brings back memories. Some days were easy, but I now have coping skills set, like being productive, taking care of my health physically, mentally and emotionally through meditation, eating healthy, exercising and providing myself with positive materials. I am also relating my feelings to friends and family.”

Pagpapatuloy niya, “It’s tough and lonely sometimes living alone, but it’s rewarding every time before you sleep and when you wake up. Because you are surviving. I handle everything and ask for help sometimes from friends and family only if I cannot do it by myself and vise versa.”

Ibinahagi rin ng binata kung paano nagsisimula at natatapos ang kanyang araw ngayong may ECQ pa rin. Aniya, nagigising siya bago mag-alas-9 ng umaga at mag-aagahan. 

“Then, I listen to good music. I eat, clean the unit, take a shower, nap, work out, eat, clean, shower and sleep,” lahad ni JM na bumibida sa Kapamilya series na “Pamilya Ko” na pansamantala ngang natigil dahil sa lockdown.

“The first few weeks of the lockdown, I noticed that I’m restless because my brain and body are programmed already to act three times a week. But I managed to help myself adapt to our situation even though I lost one of my outlets,” chika pa ng aktor.

Read more...