Senado handa na sa sesyon bukas

HANDANG-handa na ang Senado para sa pagbubukas ng sesyon nito bukas matapos ang Lenten break.

Sa kabila ng banta ng coronavirus disease (COVID-19, inaasahang dadalo ang mga senadorr sa unang araw ng sesyon.

“Delikado or hindi, yun bang pagtanong natin ng delikado, tinatanong natin yung guwardiya sa mga hospital, yung mga health workers, yung mga nagdedeliver ng pagkain, takot ba sila? Tapos sasabihin itong mga senador, hindi gawin ang trabaho nila, eh mandato ng Constitution yun na magkaroon kami ng legislative calendar at sundin namin ito.” ani  Senate President Vicente Sotto III.

Ibinasura ni Sotto ang virtual session sa pagsasabing kailangan muna nilang mag-convene para aprubahan ito.

” So, ang remedyo na naiisip nung iba is mag-teleconferencing daw pero pwedeng gawin yun pagkatapos naming mag-convene at mag-approve ng rules namin na papayagan na namin yun,” dagdag ni Sotto.

Sakaling maaprubahan na ang rules, papayagan na rin ang  committee hearings sa pamamagitan ng teleconferencing.

Isasailalim sa rapid test ang lahat ng papasok sa Senado   

Read more...