Kahit no work, no pay: Sylvia nag-donate ng medical supplies ‪sa 6‬ ospital sa Agusan

SYLVIA SANCHEZ

KUNG hindi pa nag-post ang provincial governor ng Agusan del Norte na si Dale Corvera ay hindi namin malalamang nagbigay pala ng medical supplies sa kanila si Sylvia Sanchez. 

Mga PPE, face masks, gloves, face shields at alcohol para sa anim na hospital ng nasabing probinsya ang donasyon ng aktres.

Narito ang post mula sa opisina ni Gov. Corvera (AgNor Bulletin), “Provincial Governor Dale Corvera expressed thanks to actress Ms. Sylvia Sanchez and the Atayde Family for helping her home province in this crucial times as we faced an unseen enemy by donating PPEs, masks, gloves, shields and alcohol enough for the 6 hospitals of Agusan del Norte. Sanchez was born and raised in the municipality of Nasipit, Agusan del Norte.”

Kaagad kaming nakipag-chat kay Sylvia tungkol dito pero hindi niya kami sinagot. Pagdating talaga sa pagtulong ay ayaw ng aktres na ipagsabi maliban na lang kung may mag-post tulad nito kaya nalalaman ng publiko.

No work, no pay din ang mga taga-showbiz kaya apektado rin ang kabuhayan nina Sylvia lalo pa’t kagagaling lang niya sa COVID-19 pati ang asawang si Art Atayde kaya dumanas sila sa malaking gastusin.

Likas talagang matulungin ang mag-asawa dahil naisip agad nila ang kalagayan ng frontliners sa mga hospital sa Agusan del Norte.

Nakita kasi nila ang hirap na dinaranas ngayon ng frontliners para tulungan ang mga pasyente nilang nakikipaglaban sa COVID-19. 

Kaya nga bago sila lumabas ng hospital ay abut-abot ang pasalamat ni Ibyang sa lahat ng mga doktor at nurse na tumulong sa kanila para labanan ang malalang sakit.

Naka-chat namin si Papa Art at tinanong namin kung magdo-donate sila ng plasma para sa COVID-19 patients.

“May rapid testing pa kami bukas, after the test, malalaman kung puwede kaming mag-donate ng plasma,” sagot sa amin ng Atayde patriarch.

Read more...