LIMA katao, kabilang ang seafarer, ang dinakip kahapon sa Carigara, Leyte habang nagsasabong, isa sa mga aktibidad na ipinagbabawal sa ilalim ng general community quarantine.
Nadakip sina Mark Anthony Madejas, 30, isang seafarer; Rodolfo Dollete, 38, construction worker; Romulo Agonons, 49, negosyante; Lerio Obaob, 37; at kapatid niyang si Leo, 39.
Naaktuhan ng mga pulis ang tupada sa bakanteng lote sa Brgy. Naugisan alas-3:50 ng hapon.
Nakuha sa kanila ang 10 tandang at mahigit P2,000 taya.
Kakasuhan ang lima ng paglabag sa PD 449. –Inquirer
MOST READ
LATEST STORIES