“LEAVE him alone!” Yan ang pakiusap ni Ellen Adarna sa mga taong patuloy na nagli-link sa kanila ni John Lloyd Cruz.
Nag-ugat ito sa nakaraang pahayag ni Ellen tungkol sa lalaking nanloko at nang-ghost sa kanya noon nang magpa-Q&A session siya sa Instagram Live.
Pero aniya, hindi niya ito hinabol at lalong hindi rin siya nagmakaawa na balikan siya. Madali rin daw siyang maka-move on sa heartbreak dahil isa siyang “strong” at independent woman”.
Halos lahat ng nakapanood sa IG Live ni Ellen ay nagsabing baka raw si John Lloyd ang tinutukoy nitong “cheater”.
Pero sa huling pa-Q&A ni Ellen sa IG nilinaw niya na hindi si Lloydie ang ex-dyowa niyang nanloko sa kanya at sana’y tigilan na ng mga tao ang pagbanggit sa aktor patungkol sa kanyang past.
“Just to clear everything. Nope. Dili cya. Dili cya ang ni ghost and dili cya ang ni cheat.
“Kuyaw naman kaayos remix and feelings ning mga tao kung unsaunsa na lang mga pangstorya. Leave him alone kay dili dyd cya,” sey ni Ellen sa Bisaya.
Ito naman ang translation ng kanyang sinabi, “Just to clear everything. Nope. Hindi siya. Hindi siya ang nag-ghost at hindi siya ang nag-cheat.
“Nakakagulat na lang talaga ‘tong remix and feelings ng mga tao kung anu-ano na lang pinagsasabi. Leave him alone dahil hindi talaga siya.”
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nababanggit nina Ellen at Lloydie ang rason ng kanilang break up. Pero ayon sa dating sexy star, may usapan na sila ni Lloydie sa pagpapalaki sa anak nilang si Elias.
Kamakailan, inamin ni Ellen na she’s into a long-distance relationship with a foreigner, “Yes I am dating someone right now. He’s from Spain. Afam. Ha-hahaha!
“It’s a long-distance relationship. It actually works well for me because I have to spend time with my son. It works well for me. I’m not hassled at all,” sey pa ni Ellen.