IPINANANGAK na ng Eat Bulaga at Unang Hirit host na si Luane Dy ang panganay na anak nila ni Carlo Gonzalez.
Maituturing ding COVID baby ang kanilang anak dahil nga isinilang ito sa panahon ng health crisis at enhanced community quarantine.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Luane ang good news kalakip ang litrato ng kamay ng kanilang healthy baby boy. Hindi muna nila ipinakita ni Carlo ang mukha ng sanggol.
Caption ni Luane sa kanyang IG post, “Anak, salamat sa ligayang iyong dala. Nawa’y hindi tayo mawalay hanggang sa aking pag tanda.
“Buong buhay kong pagmamahal sayo’y ipadarama. Masuklian lamang sa aki’y tunay mong halaga.
“Ikaw ang buhay ng aking buhay sinta. Tunay, mahal na mahal kita.
“I love you son #xpiotós #carlu.”
Nag-post din si Carlo ng litrato ng anak na kamay lang nito ang kita na may mensaheng, “My legacy. My fervor
My entirety. My splendor. You are my life’s meaning.
“The purpose of my being. Like your name on my skin. I am with you thru thick and thin
I love you son. Mahal na mahal kita. #xpiotós #carlu.”
Bumaha naman ng pagbati para sa Kapuso couple mula sa mga kaibigan nila at katrabaho.