Kapalaran ng PBA Season 45 malalaman sa Agosto

PBA Commissioner Willie Marcial

IAANUNSYO ng Philippine Basketball Association (PBA) ang magiging kapalaran ng 45th season nito ngayong Agosto matapos ang desisyon ng pamahalaan na ipagbawal ang mga sports events sa Metro Manila kapag inilagay ito sa general community quarantine (GCQ) bunga ng coronavirus (COVID-19) pandemic.

Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial sa Inquirer nitong Sabado ng gabi na ang PBA Board na pinamumunuan ni chairman Ricky Vargas ng TNT KaTropa ay nagkaisang magdesisyon na magtalaga ng August deadline bago magsagawa ng mga hakbang patungkol sa kasalukuyang season.

Sinabi pa ni Marcial na ang Philippine Cup ay maaaring simulan sa Oktubre matapos na mabigyan ang mga koponan ng isang buwan para makapag-ensayo bago sumabak sa mga laro ng pro league.

Kung hindi naman makapagsimula ang torneo sa Oktubre, sinabi ni Marcial na kakanselahin na ng liga ang buong season at tututukan na lang ang preparasyon nito sa taong 2021.

Sinabi rin ni Marcial na ang susunod na tatlong buwan ay magbibigay sa liga ng panahon para obserbahan ang mangyayari kapag inilagay na sa GCQ ang Metro Manila.

“The Board didn’t want to make a decision right away and instead observe the developments from now until August,” ani Marcial.

“Hopefully there will be a breakthrough in the fight against the virus which can allow us to push through with the season. Of course, the health and safety of the players, coaches, fans and the PBA family remain a priority.”

Read more...