Luis muling pinaiyak ang madlang pipol; ‘ICSYV’ public service program na rin

Lucky-Ate Vi

PINAIYAK ni Luis Manzano ang madlang pipol kagabi sa part 2 ng birthday special niya sa I Can See Your Voice.

Nakasama ni Luis sa nasabing episode ang kanyang inang si Star For All Seasons Vilma Santos bilang guest celebrity na kumasa sa hamon ng panghuhula kung sino ang mga certified See-nger at Seen-tunado sa mga Secret Songers.

Actually, replay na ang ipinalabas na episode kagabi sa ICSYV pero napaiyak at napatawa muli ni Luis ang viewers sa very touching celebration ng kanyang past birthday.

Bago matapos ang nasabing episode, may surprise video ang mga Sing-vestigators para sa binata. Isa-isang bumati sa kanya ang mga dating secret songer na sumali sa hit mystery music game show ng ABS-CBN na natulungan niya.

“Happy birthday Kuya Luis. Maraming, maraming salamat po dahil gaano man ka-simple iyong natulong niyo para sa amin at gaano man kalake, iba po iyong kasiyahan na ibinigay niyo sa amin. Hindi iyon maipagpapalit. 

“Hindi po matatawaran ng kahit anumang bagay lalong lalo na sa akin na isang may sakit sa kanser. Bukas nga po may chemo session ako pero hindi ako nagdalawang-isip na puntahan ka Kuya Luis kasi itong tao na ito ang nagbigay sa akin ng karugtong ng buhay ko. Gagawin ko siyang priority sa buhay ko,” mensahe ni LJ.

“Sobrang thankful po ako kay Sir Luis dahil ang laking tulong na ibinigay niya sa akin. Hindi po ako gumastos para sa paggawa ng thesis namin,” ayon naman kay Steven na binigyan ni Luis ng laptop.

Ibinandera naman ni Love Joy ang naipatayong lechon manok business matapos doblehin ni Luis ang napanalunang cash prize nang malamang dalawang buwan na pala silang naputulan ng kuryente.

Hindi naman napigilan ni Luis ang mapaluha matapos marinig ang mga mensahe ng kanyang mga natulungang Kapamilya. Maging si Ate Vi ay napaiyak dim on national TV dahil sa sobrang pagka-proud sa anak. 

Sa eksenang ito, naiyak na rin ang studio audience pati na ang mga televiewers base na rin sa mga comments sa social media at official fanpage ng ICSYV. Sabi nga nila, isang public service program din pala ang show ni Luis.

“Gusto kong magpasalamat sa Diyos na binigyan ako ng isang anak na katulad mo. Sobrang swerte na natuto siyang mamigay ng blessings niya. Hindi siya nagdadalawang-isip kaya talagang hanga ako sa kanya doon. Sana hindi ka magbago magbahagi pa at God bless,” mensahe ni Ate Vi kay Luis.

Read more...