INAALAM na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng lalaking walang ulo na nadiskubre sa dalampasigan ng Tawi-tawi kamakailan.
Ani Lt. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines, pinaniniwalaang dayuhan ang biktima.
Narekober ang katawan ng biktima sa ibabaw ng mga bato sa dalampasigan ng Kinapusan Island, Brgy. Nusa-Nusa, South Ubian, kasama ang kanyang sasakyang-pandagat.
Sinabi naman ni Col. Arturo Rojas, commander ng Joint Task Force Tawi-Tawi, nakasuot ang biktima ng kulay blue na diving suit, habang isang puting ocean rowing boat na may haba na 24 talampakan na may mga guhit na kulay pula at blue ang kanyang sea craft.
Agad namang inilibing ang bangkay dahil nabubulok na ito.
Inalerto na rin ang mga otoridad ng Malaysia at Indonesia sa insidente. –Inquirer