ISA ang nasawi sa sunog na tumupok sa 20 bahay sa Taguig City kanina.
Kinilala ang nasawi na si Joharie Mopac, 30, ng Cagayan de Oro st., Maharlika Village.
Nagsimula ang sunog sa bahay ng nasawi alas-1:26 ng hapon.
Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog na mabilis na kumalat sa mga katabing bahay. Umabot sa P450,000 ang halaga ng napinsala ng sunog.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na naapula alas-2:27 ng hapon.
MOST READ
LATEST STORIES