4 dayuhan na naka-swimwear rumampa sa kalye, dinampot

KINASUHAN ng disobedience ang apat na dayuhan na nahuling walang face mask habang pakalat-kalat sa Brgy. Poblacion sa Carcar City, Cebu  kahapon.

Wala rin umanong quarantine passes ang apat, na nakasuot ng damit na pang-beach, ani Cpl. Argie Noel Espinoza, desk officer ng Carcar City Police Station.

“The woman in the group was only wearing a bikini while her three companions were topless,” dagdag ni Espinoza.

Kinilala ang mga dinakip na sina Emanuele Fiureneintine Frongia, 31; Kydine Baynes Hasty, 25; Daniel Roache, 25; at Veronica Grk, 22.

Di Frongia ay Italyano habang sina Hasty at Grk ay Amerikano at Roache ay taga-Australia.

“They probably know our local regulations but it seems that they are not taking these seriously, the reason for their arrest,” paliwanag ni Espinoza

Umuupa ang grupo sa isang bahay sa Brgy. Can-asujan makaraang maabutan ng lockdown.

Naispatan sila na naglalakad sa Brgy. Poblacion alas-7:20 ng umaga at agad nilapitan ng mga tanod at pulis.

Read more...