Online COVID assessment inilunsad sa Taguig

INILUNSAD ng Taguig City government ang online SMART Testing COVID-19 Self Assessment para mas maging accessible ito sa publiko.

“This tool was created to make assessment more accessible for individuals who have limited capacity to leave their homes and consult in the nearest health facility,” saad ng city government sa isang pahayag.

Dahil dito ay naging dalawa na ang proseso ng Systematic Mass Approach to Responsible Testing (SMART) ng lungsod.

Bukod sa online assessment sa pamamagitan ng www.taguiginfo.com maaari ring tumawag sa Taguig COVID-19 hotline at health centers.

Ang mga kailangang magpa-COVID-19 testing ay bibigyan ng control number na mayroong petsa at oras kung kailan ito kukuhanan ng sample.

Maaaring magpasuri sa pinakamalapit na Health Center sa pamamagitan ng ‘hatid-sundo’ scheme.

Pwede ring mag-drive thru sa Lakeshore o BGC ang mga may sariling sasakyan.

Read more...