NAGPOSITIBO sa coronavirus disease (COVID-19) ang isang jail officer at 18 preso sa Zamboanga City Reformatory Center, ayon sa mga otoridad.
Sinabi ni City information officer Sheila Belen Covarrubias na dahil sa pinakabagong mga kaso, umabot na sa 30 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19, kung saan dalawa ang nasawi.
“The inmates infected with COVID-19 have already been separated from the rest of the detainees,” sabi ni Dr. Dulce Miravite, city health officer.
Matapos magkaroon ng positibong bilanggo sa lungsod noong isang buwan, 119 katao na ang ang kinuhaan ng swab sample at ipinasa sa Saint Luke’s Medical Center para masuro.
“Prior to the recent test results, two jail inmates have contracted the coronavirus, one of whom had died,” ayon pa kay Miravite.
Nangangamba rin si Miravite na mas maraming preso ang tinamaan na ng deadly virus dahil sa siksikang pasilidad.