Angel sa kasal nila ni Neil: Ayokong isiping postponed, pero…

ANGEL LOCSIN AT NEIL ARCE

AYAW munang isipin ni Angel Locsin na mapo-postpone ang kasal nila ng film producer na si Neil Arce.

Ngayong taon naka-schedule ang kanilang wedding pero hindi pa nila kinukumpirma kung anong buwan at saan ito magaganap.

Ayon kay Angel, hindi pa nila alam kung ano ang mangyayari dahil nga sa nagaganap na health crisis sa bansa, lalo pa ngayong extended muli ang enhanced community quarantine.

Nagsalita ang Kapamilya actress kagabi sa live Facebook launch ng fundraiser na “Regal Movies at Home,” ang free streaming ng mga pelikula ng Regal Entertainment sa FB kabilang na nga ang pelikula niyang “I Will Always Love You” kasama si Richard Gutierrez.

Bago ipalabas ang movie, nakipag-chat muna sina Angel at Richard sa mga netizens. Dito, binati ng aktres ang dating ka-loveteam sa simpleng kasal nila ni Sarah Lahbati.

Hindi natuloy ang engrandeng wedding ng dalawa noong March 14 dahil sa lockdown pero nagdesisyon sina Richard na ituloy pa rin ito kahit sila-sila lang ng kanilang respective families.

Sabi ni Richard, itutuloy pa rin nila ang naunsiyaming bonggang kasalan kapag natapos na ang COVID-19 pandemic. 

Kinumusta naman ng aktor ang nakatakdang wedding nina Angel at Neil, “Alam mo na hindi ko puwedeng sabihin dito ngayon. Naka-reserve ka na,” natatawang tugon ng aktres.

Dugtong niya, “Ayaw naming isipin na postponed, di ba, kasi iyon ‘yung pinakaimportanteng araw sa amin. Nagpahinga nga kami sa mga trabaho namin sana para matutukan namin ‘yung wedding.”

“Kaya lang, kapag lockdown pa, hindi naman namin puwede i-risk, di ba? Hindi namin alam kung ano ang mangyayari,” pahayag pa ng Kapamilya leading lady.

Kung matatandaan, ibinandera ng magdyowa ang kanilang engagement noong June, 2019 at mula noon naging busy na sila sa preparasyon ng kanilang big day.

Pero nang ipatupad nga ang lockdown sa bansa, natigil din ang pag-aasikaso nina Angel at Neil sa kanilang wedding pero ibinuhos naman nila ang kanilang panahon sa relief mission.

Talagang personal na naghahatid ng ayuda ang future husband and wife sa mga nawalan ng trabaho dulot ng ECQ pati na sa pagbibigay ng personal protective equipment at emergency quarantine tents sa frontliners.

Read more...