Dingdong, Marian sa ECQ: The best time of our married life! 

MARIAN RIVERA AT DINGDONG DANTES

“SOBRANG sarap ng experience namin together!” 

Ganyan inilarawan ni Dingdong Dantes ang relasyon nila ni Marian Rivera ngayong naka-enhanced community quarantine pa rin ang Metro Manila.

Humarap ang Kapuso Primetime King & Queen sa publiko sa live Facebook launch ng “Regal Movies At Home” kagabi na isang fundraiser ng Regal Entertainment para sa mga naapektuhan ng COVID-19 crisis.

At bilang unang handog ng “Regal Movies at Home”, ipinalabas nang libre sa FB ang 2010 film ng DongYan na “You To Me Are Everything”.

Pero bago nga ito ipalabas, sumalang muna sa live question-and-answer ang mag-asawa at isa nga sa mga tanong ay kung sa nasabing pelikula nagsimula ang kanilang love story.

 “‘Yung totoong nagliligawan, alam mo kung kailan? Itong quarantine, itong ECQ. Sobrang sarap ng experience namin together,” natatawang chika ni Dong.

“Kasi sobrang love namin ang isa’t isa. Itong ECQ talaga, the best time of our married life ito, sa totoo lang. Siyempre, because of the time,” dugtong pa ng aktor.

“Nakakalungkot lang na dito pa nangyari sa kontekstong ito. Pero iyon nga, grateful kami because we have each other,” aniya pa.

Sabi naman ni Marian, ibang klaseng bonding moments din ang pinagsasaluhan nilang pamilya. Wala raw katumbas na anumang materyal na bagay ang makasama araw-araw ang kanyang asawa at mga anak na sina Zia at Sixto.

“Gustung-gusto namin pag nandoon kami sa room lahat, nagrarambulan kami,” sey ni Marian.

Sa mahigit isang buwan na lockdown, napakarami ring nasaksihang milestones ni Dingdong sa buhay ng kanilang mga anak, lalo na kay Sixto.

“Isang araw, nakita ko na lang siya biglang tumayo at naglakad. Noong nag-umpisa ang ECQ, gumagapang pa lang ‘yan, e. Ngayon, tumatakbo na. Imagine, iyong ganoong milestone, nasaksihan ko at nandito ako,” tuwang-tuwang kuwento ng Kapuso TV host-actor.

Inamin naman ng mister ni Marian na may kaba rin siyang nararamdaman ngayon, “Natatakot ako para sa lahat, lalong-lalo para sa mga anak natin, sa next generation. 

“At the same time, alam kong may hope, kasi hindi naman ito ibibigay ng Panginoon sa atin nang walang dahilan.

“I know that ‘yung henerasyon nila, magri-reap ng benefits ng mga gagawin natin ngayon. Dapat ayusin na natin talaga ang mundong ito para sa kanila,” pahayag pa ng Descendants of The Sun lead star.

Read more...