Maja sa pagpapakasal: Sana si Rambo na nga ang ‘the one’ 

Maja-Rambo

IPINAGDARASAL ni Maja Salvador na sana’y ang boyfriend niyang si Rambo Nuñez na ang kanyang “forever”.

Inamin ng magdyowa na napag-uusapan na nila ang pagpapakasal at nakikita na rin nila ang mga sarili na kapiling ang isa’t isa nang panghabang panahon.

Sabay na nag-guest sa “Magandang Buhay” kahapon sina Maja at Rambo, dito nga nila ibinalita na magkasama sila ngayon sa Puerto Princesa, Palawan dahil doon na sila inabutan ng lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.

“Parte ‘yon ng dasal ko every night (magkasama forever). Parang ang ganda ng istorya namin na kami dati, hindi nag-work, tapos nagkabalikan. 

“Tapos ‘yung second na balikan namin naging smooth naman ‘yong flow ng relationship. Tapos sa sitwasyon natin, magkasama pa kami. 

“Tapos kasama ko pa ang pamilya niya na ang turing talaga sa akin ay pamilya na rin, sobrang inaalagaan din,” pahayag ng Kapamilya actress.

Ayon naman kay Rambo, hindi na rin sila bumabata kaya kailangang paghandaan na rin ang kanilang future.

“Hindi naman kami bagets din. Of course, may mga ganoong plans na kami. I mean napag-uusapan what will happen in the next few years, I mean nothing definite, things can change, but I guess we are in that stage na naman of our lives,” sey pa ni Rambo.

“Siguro ‘yung maturity naming dalawa. I think 9 or 10 years ago ‘yung relationship namin siguro that time wasn’t meant for that stage of our lives. 

“The second time around ‘yung ganu’ng setting, ganung relationship, ganung commitment, siguro mas ideal na when we got back together. So ayun more of like ‘yung maturity and timing and priorities. 

“Siguro it was something na hindi namin magagawa nine years ago. Ngayon we are of age na at may kanya-kanya na kaming na-accomplish parang puwede na naming i-prioritize ‘yung relationship,” patuloy pa ng binata.

Hiningan din si Rambo ng message para kay Maja, “I am thankful for being with me all the time, not physically, siguro ngayon physically. 

“Since nu’ng nagkabalikan tayo ay fully support ka in anything that I do and being with my family kumbaga for me it’s easier to do things kasi nandiyan ‘yung family ko at nandiyan ka. I’m really appreciative mas napi-feel ko lagi na nandiyan siya,” dagdag pa niya.

Read more...