Quarantine facility sa Phil Arena natapos na

NAI-TURN over na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Inter-Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) at Philippine Coast Guard (PCG) ang “We Heal as One’ Center” sa Philippine Arena Complex sa Bocaue, Bulacan.

Ang quarantine facility na ito ay may kakayanan na tumanggap ng 300 pasyente.

Ang pasilidad ay mayroong tatlong fully-air-conditioned tents kung saan naroon ang mga bed cubicles na ikinabit ng DPWH Task Force for Augmentation of Health Facilities.

Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar sinunod sa pagtatayo ng mga cubicle ang DOH-approved space na 3.05 square meters para sa bawat pasyente.

Ang mga inilagay na hospital bed ay donasyon ng Villar Group of Companies.

Bukod sa main quarantine area naglagay din dito ng toilet facilities para sa healthcare workers, medical personnel’s mess hall, disinfecting tents, at supply storage area.

Nagsagawa ng inspeksyon sa lugar si Secretary Carlito Galvez Jr., Chief Implementer ng National Task Force-COVID 19 at iba pang opisyal kahapon.

Read more...