Intsik na taga-POGO wala raw Covid-19 | Bandera

Intsik na taga-POGO wala raw Covid-19

- May 01, 2020 - 07:33 PM

IGINIIT ng asosasyon ng mga online gaming service providers para sa Philippine Offshore Gaming Operators na kahit isa sa mga manggagawang Tsino sa bansa ang tinamaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Ayon sa Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP), dumaan sa test ang mga kawani noong nagsisimula pa lamang kumalat ang virus sa bansa at lahat sa mga ito ay negatibo ang resulta.

Sinabi ng ASPAP na ginawa ito ang paglilinaw upang payapain ang publiko kasunod ng mga ulat na ikakakalat ng mga empleyado ng POGO ang sakit sa mga Pilipino.

Matatandaang kinontra ni Sen. Risa  Hontiveros ang plano ng pamahalaan para sa partial opening ng mga POGO dahil hindi umano ito “essential sector.”

“The resumption of POGO means mobility for at least 120,000 POGO workers, most of them in NCR, the center of the COVID-19 transmission,” aniya. “This move undermines our efforts to contain the coronavirus and opens the country to the other problems that POGOs bring. It’s a risk for public health and safety!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending