Health benefit ng fasting

FASTING o pag-aayuno ay may benepisyong idinudulot sa ating mga katawan. Mahirap ba ito gawin? Kaya ba ito ugaliin? lahat ng mga katanungan na ito ay pawang masasagot ng oo at positibo.

Ang pag-aayuno ay isang gawaing espiritwal at dapat manatiling buo at malinis ang pakay nito, ang mahiwalay sa makamundong karanasan ng pagpapakasarap. Kung ito ay tungkol sa KATABAAN, ito ay natatamo sa pamamagitan ng pangilin sa pagkain at likido o inumin na alak sa kadalasan, tungo sa ikabubuti ng kaisipan at katawang pisikal, ang pagbawas ng timbang.

Para sa Katabaan, simpleng pag-aayuno lamang ang kailangan. Ang pangilin ng pagkain at alak sa loob ng 12 oras sa gabi ay isang epektibong paraan ng pagbabawas ng timbang.

Binibigyan ng pagkakataon ang ating bituka at katawan na magpahinga sa pag-asikaso sa pagtunaw ng kinain. Aayon ang “eating pattern” sa “biorhythm” ng katawan, sa madaling salita, hindi madagdagan ng “stress” ang katawan.

Meron din pag-aayuno ng may laktaw na isang araw (Intermittent Fasting or Alternate Day Fasting), kung saan ang epekto ay gaya ng iba’t ibang klaseng pagdi-dyeta. Mahalaga din ang pagkakaroon ng “Cleansing Fast” o “Detoxification”, kung saan ang tuloy-tuloy na pag-aayuno ng tatlo hanggang pitong araw ay makakatanggal ng mga “toxins” sa katawan. Minsan sinasabayan ito ng mga “supplements gaya ng “fibers” at iba pang gamot na pampadumi.

Dieting, mga ilang paraan:
Ang pagdi-dyeta ay ginawa na ng maraming tao, sa katunayan, isa ito sa pinakasikat na paraan ng pagpapayat. Epektibo ang lahat ng dyeta, nguni’t mahirap sundan ito ng pang-matagalan (Compliance).
Natural sa tao ang kumain ng kahit anong pagkain, huwag lamang ito maramihan.

Ang “dieting” ay hindi dapat mauwi sa “cycling” o “yoyo”, kung saan ang nawalang timbang ay madaling bumabalik. Mabilis mawala ang “dynamic weight” na 10 hanggang 15 porsyento (10-15%) ng timbang, mabilis din ito maibalik. Dapat ang pagdi-dyeta ay hindi nakatutok sa mabilis na pagkawala ng timbang.

Ang unang nawawala sa “drastic dieting” ay timbang ng tubig lamang.
Ang pagbawas ng “500 calories” sa balanse ng kinakain at ginagastos araw-araw ay magdudulot ng pagbawas ng timbang na isang libra (1 pound) sa isang linggo.

Ang ehersisyo ay epektibo rin dahil sa kung nadadagdagan ang “muscle mass”, ay tumataas ang “metabolic rate”, at mabilis matunaw ang calories. Nguni’t kinakailangan na tuloy-tuloy din ito. Kapag tumigil sa ehersisyo at napanatili ang pagkain ng madami, babalik din ang timbang.

Kakaunti lang ang mga gamot na nakaka-apekto ng “appetite”. Sa totoo lang, ang mga “side-effects” ng mga “appetite suppressants” ay ang kinakailangan makuha para maging epektibo. Dito pumapalpak ang mga gamot dahil hindi maari na patuloy inumin ang mg ito. Gamitin lamang ang “diet pills” sa pag umpisa ng pagbawas ng timbang, at ang disiplina ay nakabase pa rin sa desisyon ny tao na magbago. Mayroon gamot na nagbabawas sa “absorption” ng nutrisyon nguni’t hindi rin ito epektibo sa pangmatagalan.
Mapapakinggan din si Dr. Heal gabi-gabi sa DZIQ Radyo Inquirer 990am alas 8 hanggang 9:30 sa kanyang programang Radyo Mediko. Inaanyayahan din kayong sumulat o tumawag (519-1875, 519-1876) o kaya mag-text 09999858606 para sa inyong kaalaman sa inyong kalusugan.

Read more...