HOROSCOPE August 12, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Susuwertehi ka na. S araw na ito at sa susunod na mga araw malaking salapi ang matatanggap. Sa pag-ibig, hindi dapat na maging emosyonal, gamitin ang rason upang lumigaya. Mapalad ang 5, 18, 23, 33, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim.” Pink at lilac ang buenas.    
Aries – (Marso 21-April 19)—    Ilabas ang sariling opinion! Kung hindi ka kikibo, paano maitatama ang maling sistema? Sa pag-ibig, kung hindi mo sasabihin sayong kasuyo ang iyong “erogenous zone” paano ka nya mapapaligaya ng husto? Mapalad ang 2, 16, 27, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jhana-Om-Nama.” Green at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—      Pag-ibig sa pamilya ang magdadala ng ligaya at magandang kapalaran, kaya dapat lamang na panatiliin ang dati ng ginagawang pagsa-sakripisyo alang-alang sa mga mahal sa buhay. Iwasan ang immoral na relasyon. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bodhana-Om.” Violet at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—     Kumilos ka lang at sobrang layo ang iyong mararating. Kung tungkol sa salapi ang iyong ikikilos, darating ang araw na yayaman ka. Sa pag-ibig, wag makuntento sa pangarap, upang lumigaya upatupad ang iyong balak. Mapalad ang 5, 14, 23, 31, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: : “Yama-Yasoda-Om.” Orange at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—   Kakampi mo ang ulan, dahil ang tubig ang mahiwaga mong elemento. Tuwing bubuhos ang ulan, darating ang magagandang kapalaran. Ang mahalaga, laging lumabas ng bahay kapag umuulan. Mapalad ang 7, 19, 28, 37, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Green at beige ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—  Apoy ang magbibigay ng suwerte! Mamayang gabi ipagdasal ang pagyaman, habang nakasindi ang dilaw na kandila sa altar. Sa pag-ibig, ang underwear na kulay dilaw  ang lalo pang magpapalakas ng iyong sex appeal. Mapalad ang 1, 19, 27, 35, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Bukod sa yellow buenas ang orange.
Virgo – (August 23 – September 22)—   Ang Mercury ay sinisimbolo ng “isang nilalang na tumatakbo, na wala anomang saplot sa katawan na may pakpak sa paa!” Sa pagdidisplay ng painting o pigurang ito, yayaman ka at magiging maligaya. Mapalad ang 5, 9, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Blue at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—   Walang katulad ang iyong ganda, kaya wala ring katulad ang pagdating ng magandang kapalaran sa pag-ibig at pagkakaperahan. Ang kailangan lang lagi kang magsuot ng kulay na red. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He Vau-Weh.” Bukod sa red ang lilac ay buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—  Huwag matakot kumilos, pagkakataon mo na ngayong umunlad. Unahin munang asikasuhin ang ang bagay na pagkakaperahan, bago ang hangal na relasyon. Sa ganyang paraan mas madali kang yayaman. Mapalad ang 6, 12, 23, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Om.” Green at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—  Upang magbago ang kapalaran, magbakasyon muna sa sinilangang bayan at mag-relaks-relask. Habang nasa sasakyan may biglaang relasyong mabubuo. Sa pinansyal, pagpasok ng “ber month” kusa ng dadami ang pera.  Mapalad ang 5, 9, 25, 34, 40, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gathan-Om.” Red at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—  Lalago ang kabuhayan kung mag-ipon na “fifty-pesos” araw-araw, paglipas ng ilang taon,  magkakaroon ka na rin ng puhunan sa binabalak na negosyo. Sa pag-ibig, laging ipaalala sa kasuyo ang kahalagahan ng pagtitipid. Mapalad ang 1, 9, 28, 34, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shanthi” Orange at black ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—   Sasama na naman ang loob mo dahil sa mga pagkakamali ng mga mahal sa buhay. Mararamdaman mong pinagkukuriputan ka na naman nila. Ganon paman, hindi nila mapipigil ang paparating mong malaking suwerte sa pag-ibig at sa aspetong pang-pinansyal. Mapalad ang 1, 17, 28, 31, 44, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Pink at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—  Kung sumablay ang dating diskarte, walang masama kundi magbago ng istilo ng pagpapayaman. Sa pag-ibig, humingi ng sorry sa kasuyo upang muling lumigaya ang relasyon. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Yaksha-Om-Umali.” Red at blue ang buenas.

Read more...