NAGBANTA si Philippine National Police chief Gen. Archie Gamboa na aarestuhin ang mga miyembro ng mga militanteng grupo na magkakasa ng mga public assembly bukas, Araw ng Paggawa.
Hinikayat naman ni Gamboa ang mga militanteng grupo na huwag nang ituloy ang plano para sa sarili nilang kaligtasan at maging ng publiko.
“Much as we respect their right to peaceably assemble, out of the exigency of the health crisis situation, we beg to discourage them from pursuing these plans for their own safety and in the best interest of public health,” aniya.
Iginiit pa ng opisyal na layon lamang ng istriktong pagpapatupad ng enhanced community quarantine na protektahan ang publiko.
“Let me emphasize that the strict enforcement of the ECQ is the State’s fulfillment of its duty to protect the right to life of its people, especially against those who violate it by asserting their liberties, which in this case is not absolute, and which inevitably spreads the contagion further,” aniya
Dagdag nito: “Arrests, detention, fines, and other penalties for violating the State’s ECQ rules are imposed to hold violators accountable.”
Nagpasalamat naman si Gamboa sa kooperasyon ng Muslim community sa pagpapatupad ng mga “adjustment” sa paggunita ng Ramadan. –Radyo Inquirer