NANAWAGAN ang isang solon sa mga bagong abugado sa bansa na tumulong sa paglaban sa diskriminasyon na nararanasan ng mga frontliners laban sa coronavirus disease 2019.
“Our new lawyers are welcomed into the fold under extraordinary circumstances. These circumstances are demanding—simply put, we need lawyers to go to bat for our heroes who are risking life and limb to protect us from the threat of the pandemic,” ani Rizal Rep. Fidel Nograles.
Bukod sa pagtulong sa mga nakararanas ng diskriminasyon, sinabi ni Nograles na mayroong mga volunteer groups na tumutulong rin sa mga taong walang pambayad ng abugado na maaaring samahan ng mga pumasa sa 2019 Bar exam.
“This is a time for all members of the legal profession to re-examine why we chose a career in law in the first place. The law is about justice, in the end, and I have every confidence that with this principle is foremost in the hearts and minds of our new lawyers, they will not shirk from the challenge of the times,” ani Nograles, isang Harvard-trained lawyer.
Si Nograles ang founder ng Lakbay Hustisya Foundation, isang legal aid trust fund organization na tumutulong sa mga nangangailangan ng abugado sa bansa.
Ang Lakbay Hustisya ang nanguna sa electronic dalaw (e-dalaw) initiative sa mga kulungan ng Bureau of Jail Management and Penology para makausap ng mga preso ang kanilang mga mahal sa buhay na hindi makapupunta sa kulungan upang sila ay makumusta.
“Umaasa ako na mangunguna ang mga bagong abogado natin sa pagtanggol sa mga naaapi lalo na sa panahon ngayon,” dagdag pa ng solon.