NASAKOTE ng pulisya ang anim katao na lumabag umano sa liquor ban sa magkakahiwalay na lugar ng Quezon City.
Naaresto sina David Guzman, 29, ng Brgy. Commonwealth at Louie Montas, 18, ng Brgy. Holy Spirit alas-2:30 ng hapon sa quarantine control point sa Brgy. Ramon Magsaysay, Bago Bantay.
Dumaan umano ang dalawa sakay ng Elf Delivery Truck ng Pepsi (AVA 4225), Wala umanong quarantine pass at permit to travel ang mga suspek.
Nang buksan ang trak ay nakita sa loob ang 75 kahon ng Emperador Lights na nagkakahalaga ng P150,000.
Naaresto naman si Arman Saguinsin, 36, ng Brgy. Lagro, alas-8 ng gabi sa control point sa Bristol Arco, Brgy. Greater Lagro. Sakay umano ang suspek ng motorsiklo at ng buksan ang compartment nito ay nakita ang isang bote ng Emperador Lights at bote ng Club Mix lime juice.
Nahuli naman sina Emmanuel Alolor, 23, Urbano Catubig, 49, at Vincent Joy Jumawan, 27, alas-8 ng gabi sa Greenville Subd., Brgy. Tandang Sora.