KINONDENA ng Bayan Muna ang pagpatay sa coordinator nito sa Iloilo City kaninang umaga.
Si Bayan Muna iloilo City Coordinator Jory Porquia ay pinaslang sa kanyang coffee shop sa Sto. Nino Norte, Arevalo, Iloilo City.
“We in Bayan Muna and the Makabayan bloc condemn in the strongest terms the cowardly killing of Ka Jory by four hooded assasins. This is the same pattern or modus operandi used by undemocratic elements and state agents when they kill or harass activists and progressive groups in other parts of the country as well,” ani Bayan Muna Rep. Carlos Zarate.
Kilala umanong kritiko ng mga anti-people at anti-poor policy ng administrasyon ang biktima.
Noong nakaraang linggo ay pinigilan pa umano ito na magsagawa ng feeding program.
“It seems that EJKs and harassment is again intensifying against membets of the opposition and critics of the administration after Pres. Duterte said that he may declare Martial law, while also threatening members of legal progressive organizations,” ani Zarate.
Ayon naman kay Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat patuloy ang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine at dinagdagan pa ng pagpatay.
“Kahit anong tago o pagdedeny nila na hindi ito mala-martial na pag implement ito ay mas masahol o sobra pa sa martial law ang paglabag sa karapatan pantao. Hindi mamamatay ang tao sa virus kundi sa pandarahas na ginagawa nila,” ani Cullamat.