SUGATAN ang 45-anyos na babae sa isang sunog sa Malabon City kagabi.
Kinilala ang nasugatan na si Alona Pilapil.
Tinatayang 45 kabahayan ang nasunog sa nagsimula alas-7:10 kagabi sa bahay ni Merian Yunson sa Palmario Pilapil st., Brgy Tonsuya.
Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag at agad na kumalat sa mga katabing kabahayan.
Umabot sa P850,000 ang pinsala ng sunog na naapula alas-9:45 kagabi.
MOST READ
LATEST STORIES