INILABAS ng Palasyo ang pinal na listahan ng mga lugar na epektibo pa rin ang enhanced community quarantine (ECQ) hanggang Mayo 15 sa harap naman ng pagtatapos ngayong araw ng lockdown sa buong Luzon.
Sa isang briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roqur na kabilang sa mga lugar na sakop pa rin ng lockdown ang mga sumusunod:
- National Capital Region (NCR)
- Region III ( Central Luzon), maliban sa Aurora
- Region IV-A (CALABARZON)
- Pangasinan
- Benguet
- Iloilo
- Cebu
- Bacolod City
- Davao City
Samantala, isasailalim naman sa general community quarantine (GCQ) ang iba pang lugar sa bansa na hindi kasama sa listahan ng mga nasa ECQ.
MOST READ
LATEST STORIES