Betong nag-thank you sa guardian angel; Mikael-Megan ‘coffee secrets’ mabenta

BUKOD sa kanyang pamilya, nami-miss na ng Kapuso comedian at TV host na si Betong Sumaya ang kanyang trabaho.

Kabilang sa mga gusto na niyang makita at muling makasama ay ang  mga kasamahan niya sa gag show na Bubble Gang, Centerstage at All-Out Sundays. 

Maraming realizations ang comedian-singer sa gitna ng mga nangyayari ngayon sa bansa dulot ng COVID-19 crisis.

Aniya, “Naniniwala ako na sa panahon ng kagipitan, doon mo makikilala ang mga tunay mong kaibigan. 

“Dahil hindi ako nakakapagluto at matagal din bago ako nakabili ng lutuan, dumating yung mga maituturing kong angels.

“Hindi talaga nila ako kinalimutan at lagi akong magiging thankful sa kanila. Sobra kong na-appreciate yung ginawa nila para sa akin,” sabi ni Betong.

Dagdag pa ng binata, “Sobrang mahalaga ang pamilya. Mag-isa ako ngayon dito sa place ko. Tiniis ko yung pangungulila at lungkot.

“Dahil bago mag-quarantine, medyo masama ang pakiramdam ko so ayaw kong makahawa ako sa pamilya ko pero buti na lang may technology dahil nakakausap ko pa rin sila araw-araw,” aniya pa.

Samantala, mapapakinggan na ang debut single ni Betong sa ilalim ng GMA Music, ang “Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko” sa Apple Music, Spotify, YouTube Music, at iba pang digital stores worldwide.

* * *

Pag-brew ng kape ang parehong hilig at madalas na bonding session ng Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young. 

Sa latest vlog ng mag-asawa, ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang “coffee secrets”.

Ayon kay Mikael, “Coffee is something that we both absolutely love and it’s something we can talk about for years on end.”

Dagdag pa ng “Love of my Life” actor, “It’s been really nice to see that our enthusiasm for coffee has kind of extended and influenced our viewers that some of them have become quite interested.”

Sinegundahan naman ni Megan na natutuwa sila tuwing may nagpupunta sa coffee shops na nirerekumenda nila, “And it’s cool when you  guys mention that you’ve been to the coffee shops that we’ve been to or that we’ve recommended to you because…nakakakilig.”

Sa naturang video ay may giveaway din sina Megan at Mikael na coffee brewing set para sa isang maswerteng subscriber.

Read more...