INAMIN ni Glaiza de Castro na may duda at pag-aalinlangan ang kanyang pamilya sa relasyon nila ng Irish boyfriend na si David Rainey.
Magkasama ngayon sa Baler ang dalawa matapos ma-stranded doon ang foreigner dahil inabutan nga ng enhanced community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.
“Honestly, noong unang punta niya dito, ‘yung parents ko medyo hesitant kasi nga taga-ibang bansa.
“Ang dami nilang concerns talaga pero very persistent naman si David and especially ngayon, ngayong time na ‘to na araw-araw kaming magkakasama, nakikita mo talaga kung gaano siya ka-consistent din na tao at kung gaano siya kasipag.
“So ‘yun ‘yung napapansin ng parents ko sa kanya, na masipag talaga siyang tao,” simulang paliwanag ni Glaiza sa panayam ng GMA 7.
Dahil sa lockdown at mahigit isang buwan na silang magkakasama sa Baler, mas nakilala pa niya pati na ng kanyang mga magulang si David.
Isa raw sa napatunayan ng Kapuso actress kay David ay ang husay nito sa pakikisama at pagiging positibo sa buhay sa gitna ng mga problema.
“Kunwari ako, meron akong problema, parang meron siyang solusyon kaagad. Very optimistic siyang tao.
“Actually, mas dapat nga siyang mabahala kasi ang layo-layo niya ‘di ba sa pamilya niya, sa parents niya pero siya ‘yung talagang mas nagko-comfort. Napakamaasikaso niyang tao.
“It makes me proud kapag naririnig ko from my parents or doon sa neighbor namin na magaling siyang makisama.
“So, nakaka-proud ‘yun para sa akin na kahit na hindi siya taga-dito or iba ‘yung kultura niya, napaparamdam niya sa parents ko most especially ‘yung concern niya hindi lang [para] sa akin kundi sa mga tao rin sa paligid ko,” lahad ni Glaiza.
Sey pa ng dalaga, feeling niya boto naman ang kanyang parents kay David, “May approval naman.”
Tungkol naman sa pag-level up ng kanilang relasyon, “Sa future plans, siyempre napapag-usapan namin ‘yun pero mas gusto naming mag-focus sa kung ano ba meron kami ngayon.
“Since we’re given this time together, ine-enjoy lang namin. As critical as it may sound pero siyempre pagkatapos nito, hindi naming alam kung ano na magiging plano.
“Kung ako ba ‘yung pupunta doon, kung siya ba ‘yung pupunta dito. ‘Yung mga ganung pag-uusap. Ayaw naming magmadali, kumbaga mag-jump sa napakalayong sitwasyon pa.
“So, ayun muna ‘yung kailangan naming ayusin, kung paano ‘yung set-up naming after nito,” chika pa ni Glaiza.