Maine may bagong idol; adik sa vlog ng Swiss animal rights activist 

IDOL na idol pala ng Dubsmash Queen na si Maine Mendoza ang Swiss animal rights activist na si Dean Schneider.

Ipinost ng TV host-actress ang mga litrato ni Dean sa kanyang Instagram Stories at ibinandera ang paghanga niya rito, lalo na sa kakaibang style nito sa pagpapakita ng pagmamahal sa mga hayop.

Sa mga hindi pa nakakikilala kay Dean, isa rin siyang YouTube vlogger at kasalukuyang naka-base sa South Africa. 

Makikita sa kanyang vlogs at social media accounts ang sandamakmak niyang video kasama ang mga mababangis na hayop tulad ng tigre at leon na akala mo’y talagang kapamilya niya.

Sentro ng kanyang mga YouTube video ang kahalagahan ng wildlife at proteksyon ng mga hayop na naninirahan sa kagubatan. Milyun-milyon ang inaabot ng views ng bawat video na ipino-post niya.

“I can watch his [Dean] videos all day,” caption ni Maine sa mga litrato ng Swiss vlogger na ibinahagi niya sa IG. 

In fairness, kahit sino namang makakita sa ginagawa ni Dean ay talagang mamamangha dahil iilang tao lang naman ang may kakayahan na makihalubilo sa mga wild animals na parang tao rin kung ituring nila.

Sa isang blog ni Dean Schneider, sinabi ng 27-year-old animal welfare activist na dati siyang financial advisor. Pero iniwan niya ang kanyang trabaho para ibuhos ang panahon sa inilunsad niyang Hakuna Mipaka project na layuning itaguyod ang wildlife awareness at proteksyon para sa “animal kingdom.”

Ang number one mission ng Hakuna Mipaka ay dalhin ang mga hayop sa puso ng mga tao.

Sa isang Instagram post ni Dean, ipinakita niya kung paano mapapaamo ang isang mabangis na hayop.

“You are looking at 2 Years of hard work & dedication! (Comment YOUR thoughts below & Tag someone with Passion, Love & Dedication).

“EVERY relationship between 2 living beings takes Time! Time to build trust, time to get to know one another, to fight but also to reunite again! We need time to win & to fail together as well as time to let one another develop into whatever we are meant to be!

“The most successful relationships are based on ACCEPTANCE! To accept the nature of the opposite and learn to love one another EXACTLY the way WE are and not the way YOU wish him or her to be. this is pretty much the hardest thing in Relationships/Friendships! But if both Parties succeed to do so, than see in the Video above what the RESULT will be!

“Let‘s start 2020 by proving that the IMPOSSIBLE is actually POSSIBLE! Whatever YOUR goals are for 2020 YOU must know that YOU can do it!”

Read more...