Andrea kay Derek: Nami-miss ko ‘yung amoy niya, ‘yung tawa niya

DEREK RAMSAY AT ANDREA TORRES

PARA-PARAAN ang Kapuso couple na sina Derek Ramsay at Andrea Torres para kahit paano’y mabawasan ang matinding pagka-miss nila sa isa’t isa.

Magkahiwalay ngayon ang magdyowa at pareho ring nakikipaglaban sa LDR o “lockdown relationship” dahil sa extended enhanced community quarantine.

Tuloy pa rin ang communication nina Derek at Andrea at anila, mas nabigyan pa nga nila ng importansiya ang isa’t isa habang magkalayo. Video call ang isa sa paraan para maibsan ang pagka-miss sa isa’t isa na naging bahagi na rin ng kanilang daily routine.

“We talk in the morning, kuwentuhan nang konti and we call again each other and do our workout together,” ani Derek. Sabay din silang nagwo-workout para mapanatili ang pagiging fit and healthy.

“Nag-try na rin kami ng yoga, nag-try kami ng meditation, we pray together din. Kahit paano medyo mas madali na siya now,” kuwento naman ni Andrea.

Sa panayam ng GMA, sinabi ni Derek kung ano ang pinakanami-miss niya kay Andrea, “Nami-miss ko na inaalagaan niya ako.” 

Chika naman ng Kapuso sexy actress, “Pinakasimple lang talaga na nami-miss ko ay ‘yung amoy. Nami-miss kong naririnig ‘yung tawa niya na katabi ko siya.

“Sa video call parang tina-try ko siyang alagaan pero iba pa rin ‘yung feeling na hands-on ka talaga,” aniya pa.

Inamin naman ng hunk actor na mas nadagdagan ang oras niya para kay Andrea at sa pamilya, “Quality ng conversations are much deeper. Basically, your full attention is really given to them.” 

Ano naman ang planong gawin ni Derek kapag natapos na ang lockdown?

“I want to take them all to Palawan. Go to paradise. So what more than having both families together and just talking about what they learned,” sagot ng Kapuso leading man.

Read more...