MAAGANG ibibigay ng Government Service Insurance System (GSIS) ang pensyon ng kanilang mga benepisyaryo.
Ayon kay GSIS president and general manager Rolando Macasaet, matatanggap ang pensyon sa Mayo 5, mas maaga ng tatlong araw sa kalimitang ika-8 ng buwan.
Holiday ang Mayo 1 kaya Mayo 5 na ito madedeposito sa account ng mga pensyonado.
Sinabi rin ni Macasaet na halos 40,000 miyembro ng GSIS na ng umutang. Nagkakahalaga ito ng halos P4 bilyon.
Tatagal umano ang pagtanggap sa loan application ng GSIS hanggang Hulyo.
MOST READ
LATEST STORIES